Posts

Showing posts from October, 2020

Halimbawa ng Teknikal-bokasyonal na sulatin

  Ang Teknikal-bokasyonal na sulatin ay uri ng komunikasyong pasulat at pagsulat ng akda na Kung saan ang mga salitang gamit ay nakabatay sa larangang may espesiyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham teknolohiya,enhinyera,at agham pangkalusugan.Ito ay tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasiyon para sa teknikal o komersyal na layunin.Pagsulat na tumutugon sa kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mambabasa at manunulat.Ang tekstong ito ay gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa at Gawain na Kung saan ito ay tumutukoy,nakapokus at nakabase lamang sa  isang partikular na audience.Nakadepende ito at nakapokus sa isang larangang kinabibilangan. Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay may mga katangiang dapat sundin at taglayin upang maging malinaw,maintindihan,at maging klaro ang sulatin sa mga mambabasa at makabuo ng isang kapani-paniwalang sulatin.Halimbawa ng teknikal bokasyonal na sulatin ay ang sulating "konseptong papel" at ...