Halimbawa ng Teknikal-bokasyonal na sulatin

 Ang Teknikal-bokasyonal na sulatin ay uri ng komunikasyong pasulat at pagsulat ng akda na Kung saan ang mga salitang gamit ay nakabatay sa larangang may espesiyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham teknolohiya,enhinyera,at agham pangkalusugan.Ito ay tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasiyon para sa teknikal o komersyal na layunin.Pagsulat na tumutugon sa kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mambabasa at manunulat.Ang tekstong ito ay gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa at Gawain na Kung saan ito ay tumutukoy,nakapokus at nakabase lamang sa  isang partikular na audience.Nakadepende ito at nakapokus sa isang larangang kinabibilangan.

Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay may mga katangiang dapat sundin at taglayin upang maging malinaw,maintindihan,at maging klaro ang sulatin sa mga mambabasa at makabuo ng isang kapani-paniwalang sulatin.Halimbawa ng teknikal bokasyonal na sulatin ay ang sulating "konseptong papel" at "Tesis"  na Kung saan ilan ito sa mga hakbang upang makabuo ng sulating pananaliksik.Ang konseptong papel ay naglalaman ng kabuuang ideya ng balangkas o framework,nais patunayan,at Gawaing binabalak sa pananaliksik o sa madaling salita ay ito ang nagsisilbing proposal para sa isang pananaliksik. Ang tesis Naman ay ang pinakasentrong ideya para sa isang partikular na paksa ng pananaliksik.Ang pagsulat ng mga ito ay nagtataglay ng mga katangiang tinataglay ng Teknikal-bokasyonal na sulatin,ito ay pagiging may espesiyalisadong bokabularyo,tiyak,tumpak at walang kamaliang gramatikal sa mga salitang gagamitin sa pagbabahagi ng ideya at impormasiyon.kailangan ang Pagiging malinaw,mauunawaan at kompletong impormasiyon para sa pag-intindi at pag-analisa ng mambabasa Hindi lang ang mambabasa kundi ang mga manunulat din.May angkop na pamantayang kayarian at obhetibo para sa kagandahan ng daloy ng bawat impormasyon ng sulatin.Lahat ng katangiang ito ay makapanghihikayat ng  mga mambabasa at  magiging kapani-paniwala ang akda at makatotohanan.

Ang pagsulat ng teknikal bokasyonal na akda ay magpapamulat sa mga mambabasa at manunulat sa mga bagay bagay sa paligid.Makakatulong din ito sa pagsolusyon sa larangang napili o pipiliin para sa kinabukasan at ngayon.

Comments